Sakay na sa bansang puro banyaga ang laman
Pati ang laman ng utak ng mga walang pakialam
At ang sakayang ito'y parang bansang hindi pantay-pantay
May nakaupo ng maluwag at may halos malaglag na ang bayag
Nakikipagsiksikan sa bungad
Sa pag-abot ng pamasahe ay tamad
At ang mga bagong sakay ay sa dulo mapadpad
pa'no ngayon tayo uunlad?
Bumabagal
Umusog ka kung nais mong magtagal
O baka di na maabutan ang iyong kaarawan
Sasakay ka ba sa bansang halos walang patutunguhan?
Sapagkat ang mga nagmamaneho'y interesado sa pamasahe mo lang
Kaya't bumaba ka na hangga't gising ka pa
Baka lumagpas sa'n ka pa mapunta
Nakanamp* dahan-dahan!
'Di ko makita ang dinadaanan para pumara
T*ina! 'wag mo namang ihinto sa gitna ng kalsada!