Naransan mo na bang kumain ng walang nakahain
Nabasa ng ulan dahil wala kang dahon ng saging na masilungan
Di tinulungan di mo akalain ng tuluyan
Ng matatapunan ng mga suliranin
Naranasan mo na bang parang nakagapos
Ang mga braso samga problemang
Kinakaharap ay lagi kang talo
Di na alam ang iyong gagawin
Sa putik ay sagipin
Kung meron kang pagtingin
Aking palad ay abutin
Tila hindi na maubusan ng luha
Mata na palagi na lamang nakatitig sa lupa
Hindi na kayang tumingala
Kailan makakawala
Magkasing dami ng pagsubok
Ang aking pagkadapa
Kailan pa matatapos paghihirap ko sa buhay
Di ko to ginusto pero mahaba na aking sungay
At ng hindi na madamay pa sa aking kamalasan
Pilitin mong matakasan
Bago pa ako masiraan ng aking ulo...
Ayoko mang masiraan ang aking ulo...
Bago pa ako masiraan ng aking ulo...
Bahala ng masiraan ang aking ulo
Naranasan mo na bang pawisan
Hindi mo pwedeng punasan
Hindi mo pwedeng iwasan
Hindi mo pwedeng labanan
Hindi mo pwedeng gamitin
Hindi mo pwedeng hipuin
Sunud-sunurang alipin na parang ako'y inutil
Na laging hinahagupit
Ng amo kong malupit
Nadarama kong sakit
Palaging nakapikit
At pilit na tinitiis
Ang bawat hapdi sa mga araw na laging kulang ka sa salapi
At di mo na malaman kung kanino ka hihingi
Kung minsan ay di mo pa makuhang ngumiti
Pagkagising ay trabaho
Kung minsan ay namamaho
Kasi butas na ang tabo
Wala pang tubig sa banyo
Sinasabutan mo nang sarili
Langaw ay hinuhuli
Pag mag-isa'y humuhuni
Nandyan sa tabi-tabi
Gusto mo ng sumigaw
Gusto mo ng bumitaw
Sabihin mo sa akin
Bago pa ako masiraan ng aking ulo...
Ayoko mang masiraan ang aking ulo...
Bago pa ako masiraan ng aking ulo...
Bahala ng masiraan ang aking ulo