Marahil ay iniisip nyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig
Mga kakaibang awiting hango sa buhay ng isang tao na kung tawagin ay si GLOC 9
Lalalalala..
Nagsimula ang lahat ng aking hawakan
Ang lapis at papel
Ako si Aristotle
Sang estudyante na tulad lang ng iba
Walang magarang gamit o pera
Ganun lang talaga ang buhay
Ngunit nang ako’y nagsimulang tumula
Ang lahat ay nabigla
Ako ang nasa gitna
At nalaman ko ang landas na aking dapat tahakin
Sinimula kong hanapin ang buhay na para sakin
Ngunit di naging madali ang napili kong kapitan
Parang sumakay ng bus na siksikan sa may Dapitan
Puno ng pawis at luha
Ang sakin ay bumababa
At natatabunan pilitin ko mang bumangon
Di naglaon ay puno na ng latay aking likod
Parang nasa mikroponong lumalakad ng paluhod
Pero di ako nagpatalo
Kahit ano pang sabihin ng mga tao
Di naman nakakilala sakin eh!
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Lalalalala...
Di nyo alam kung ano ba ang pinagdaanan ni GLOC
Masahol pa sa kalsadang na punungpuno ng lubak
Umiiyak habang patuloy na nanalangin
Sumulat pa ng sumulat pinilit paring aralin
Ng sa ngayon ay may makapansin saking boses
Na parang binanggit mo ang pangalan ni Gaby Lopez (patay)
Di naglaon ay parang unti-unting nararating
Ako’y biniyayaan ng dalawang buhay kong hiling
Ngayon ay wala ng makakapigil
Ako ay nanggigigil
Gusto mong magrap
Ako ang titser at ikaw ang pupil
Tama na ang pagalingan
Tama na ang paligsahan
Eto ang album ko
May bago kang pag-aaralan
Sino ang amo mo
Sabihin sa kanya to
Di uubra lahat ang /uhugin/ na liriko
Sa aking mga kaibigan
Ako’y nagpapasalamat
Lagi nyong isipin na hindi masama ang mangarap
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Lalalalala...
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Lalalalala...
Lalalalala
Lalalalala
Lalalalala
Haha
Yo! Yo!