Kay dami na nating pinagsamahan
Kay dami nang pagsubok ang nalagpasan
'Di tayo natinag at ngayo'y narito pa
'Sing tatag ng puno sa gitna ng sigwa
Hinarap natin ang bawat hamon
Ang tag-ulan at tag-araw ng bawat panahon
Ngayon ang pintig ng ating puso'y iisa
'Di kailanman susuko at 'di mawawala
Kahit saan, kahit kailan
Sa atin ay walang iwanan
Kung ang puso ay nalulumbay
Sasamahan ka, maging habang-buhay
Umabot man tayo ng sampung dekada
Aawit pa rin at maggigitara
Kahit na mangangapa sa tono at letra
Pasintabi na lang po 'pagkat ako'y tumatanda
Umihip man nang umihip ang hanging amihan
'Di maglalaho ang pinagsamahan
Umikot man nang umikot ang kapalaran
May awit at alaalang maiiwan
Ngunit mahaba-haba pa ang ating biyahe
Marami pa sa daan ang mangyayari
Basta't 'wag bibitiw, magtiwala sa isa't isa
May bunga ring biyaya ang mga pagtitiyaga
Kahit saan, kahit kailan
Sa atin ay walang iwanan
Kung ang puso ay nalulumbay
Sasamahan ka, maging habang-buhay
Kahit saan, kahit kailan
Sa atin ay walang iwanan
Kung ang puso ay nalulumbay
Sasamahan ka, maging habang-buhay
Maging habang-buhay (maging habang-buhay)
Maging habang-buhay