Di na 'ko papayag mawala ka muli.
'Di na 'ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
'Di na papayagang mabawi muli.
Magkakapit-bisig libo-libong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kailan man 'di na paalipin.
Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat.
Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.
Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)
Coda:
Mapayapang paraang magsimula
Katotohanan, kalayaan, katarungan,hanggang kamatayan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat walang makakatalo
Hindi mangyayaring magkaisa ang mga Pilipino kasi isang pangkat lang ang makikinabang. Halimbawa ang panig ni Noynoy laban sa panig ni Gloria. Papayag ba ang panig ni Gloria na magpaubaya sa kabila?