Sa paghimig mo'y natutunaw ang lahat
Di na bale'ng masayang basta't mapagmasdan
Hinahanap ko ang iyong pag-ngiti
Natutunang masanay na ika'y mahalin
Damhin ang aking lambing
Yayakapin ka sa'yong pag-himbing
Abot langit ang pagsamo
Sayo'y hindi magbabago
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y na-gimbal nalamang sa pag-himig mo
Sa pagtitig mo'y napapawi ang kaba
Nahuhulog na lamang sa iyong kagandahang
Di mapantayan ng kahit na sinuman
Natutunang masanay na ika'y mahalin
Damhin ang aking lambing
Yayakapin ka sa'yong pag-himbing
Abot langit ang pagsamo
Sayo'y hindi magbabago
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y na-gimbal nalamang sa pag-himig mo
At sa muling paglipas ng umaga
Ako'y mananabik sa'yong iniwang ala-ala
Pagbangon mo'y karipas ang bilis
Hindi na marinig ang pag-himig mo
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y na-gimbal nalamang sa pag-himig mo