Hooooohhh...
Nung una tayong nagkatagpo, nahulog ang loob ko sa 'yo
Bawat sulyap ng 'yong mata,
Sa isip ko'y hindi nawawala.
Palagi nang hanap-hanap ka sa sandaling nag-iisa
Kapag kapiling ka, parang ayoko nang matapos pa.
Ito ba'y pag-ibig na?
Dalangin ko'y huwag na muna...
Bakit ako ay masaya kapag kapiling ka?
Bakit ako nangangamba kapag ika'y wala?
Ito ba'y pag-ibig na?
Dalangin ko'y huwag na muna.
'Pag may kasama ka namang iba, lungkot ang nadarama
Ngunit 'pag lumapit na ay hindi naman makapagsalita.
Palagi nang hanap-hanap ka sa sandaling nag-iisa
Kapag kapiling ka, parang ayoko nang matapos pa.
Ito ba'y pag-ibig na?
Dalangin ko'y huwag na muna...
Bakit ako ay masaya kapag kapiling ka?
Bakit ako nangangamba kapag ika'y wala?
Ito ba'y pag-ibig na?
Dalangin ko'y huwag... na muna.
Dalangin ko'y huwag na muna...