Alam kong madami tayong problemang pinagdaraanan
Pero isa lang dapat nating gawin
Hanapin natin ang liwanag
Bakit di mo pagbigyan
Ang pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap mo
Nariyan lang sa puso mo
Bakit di mo pagbigyan
Ang pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap mo
Nariyan lang sa puso mo
Makinig sa mga salitang aking isinulat
At buksan ang mga mata na hindi nakamulat
Matagal ko nang gusto na lahat kayo'y kausapin
Huwag mawalan ng pag-asa ano man ang suliranin
Bawat kirot, bawat sakit na iyong nararamdaman
Manalig ka lamang at ito'y malalampasan
Pupunasan ang luha, di muli pang luluha
Isipin lang na paa nya ang nakabakas sa putik at di sayo
Bakit di mo pagbigyan
Ang pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap mo
Nariyan lang sa puso mo
Bakit di mo pagbigyan
Ang pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap mo
Nariyan lang sa puso mo
Ang pangalan ko'y Allan
Isang batang lasangan palaboy laboy
Naghihintay na ako'y kaawaan
At tapunan ng kahit na ilang kapirasong barya
May sakit ang aking ina't wala na ang aking ama
Meron akong nakakatandang kapatid na babae
Nagtratrabaho sa gabi't sa akin may nakapag sabi
Kahit walang pagbabago at patuloy ang paghihirap
Ito'y hindi hadlang sa akin upang ako'y mangarap
At manalangin sa maykapal, patuloy na magdasal
Balang araw ay sisikat at hindi rin magtatagal
Bukas ay liliwanag, ako'y di nya iiwan
Kahit ang makasalan ay hindi nya papabayaan
Salamat po ama
Bakit di mo pagbigyan
Ang pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap mo
Nariyan lang sa puso mo
Bakit di mo pagbigyan
Ang pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap mo
Nariyan lang sa puso mo
Ang pagsindi ng kandila liwanag ang ibinigay
Liwanag na hatid ng araw sa bukang liwaway
Ito'y sinulat ng aking kamay, Inisip ng aking utak
Tinayp ng daliri na syang ring humahawak ng mikropono
Mike check
The drums to my sense
A creep to my stand
So i can rap my friends
Itong lahat ay sinulat, parang balitang inulat
Lahat ng tao'y nagulat sa pagsambulat namulat
Di ku masabi kung bakit ganon na lang ang tingin sa akin
Ng mga taong, ang mga biyayang galing sa langit
Pasasalamat sa hari na syang namumukod tangi
At di nyo kayang bilangin ang mga butil ng buhangin
Kaya't ang tanging dalangin ay tuloy-tuloy na palarin
Tuloy-tuloy na umawit na syang tunay na hangarin
Ito na rin marahil ang syang kailangan nating gawin
Umamin sa ating pagsala, Ama ako'y iyong patawarin
Bakit di mo pagbigyan
Ang pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap mo
Nariyan lang sa puso mo
Bakit di mo pagbigyan
Ang pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap mo
Nariyan lang sa puso mo
Kahit gaano man kadilim
Ang bawat gabi na sa atin ay nagdaraan
Lagi nating isipin na ito'y may kasunod na umaga
Umaga na nagdadala ng liwanag
At liwanag... liwanag na nagbibigay ng pagasa
Halika sumama ka sa akin