[Verse 1: Nica del Rosario]
Huwag kang mabahala
Ikaw ay mahalaga
Hindi kita pababayaan
Hindi tayo naiiba
At sana'y paniwalaan
Na pipiliin ka araw-araw
[Pre-Chorus: Nica del Rosario]
At alam ko ang aking kaya
Alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan
Upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan
Hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig
[Chorus: Nica del Rosario]
At hindi ko maipapangako
Ang kulay rosas na mundo para sa'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang
Muling ipagmalaki na ika'y isang Pilipino
[Verse 2: Gab Pangilinan]
Huwag kang matatakot
May kasangga ka sa laban na ito
Sabay nating gisingin ang nasyon
[Pre-Chorus: Gab Pangilinan]
At alam ko ang aking kaya
Alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan
Upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan
Hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig
[Chorus: Both]
At hindi ko maipapangako
Ang kulay rosas na mundo para sa'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang
Muling ipagmalaki na ika'y isang
[Bridge: Gab Pangilinan, Nica del Rosario, Both]
Pilipinong may pusong sagutin ang tugon
Pilipinong may tapang na muling bumangon
Pilipinong buo ang paninindigan
Alam ang tama at totoo
Samahan mo ako
[Chorus: Both]
At hindi ko maipapangako (At hindi ko)
Ang kulay rosas na mundo para sa'yo (Kulay rosas)
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino (Oh-oh-oh)
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang
Muling ipagmalaki na ika'y isang
Matatag at matapang at mabuti at mapagmahal na Pilipino
[Outro: Nica del Rosario, Gab Pangilinan]
Pilipino
Pilipino