[Verse 1]
Tumatalon ang puso
Sa tuwa ay patungong langit na 'ata
Ikaw ang kasama
Sa titig pa lang tunaw na
Hawak sa kamay wala na, akong palag sa
Ay pag-ibig na ata
[Chorus]
Sa ilalim ng kalawakan pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang ako na pala ang kailangan
At gusto mong pamahalanan
[Verse 2]
Tila'y rosas na pula, labi mong nagsasalita
Kay sarap itigil ang oras, maaari'y itali't iposas
Ang iyong mga tingin labis ang mga ningning
O panaginip ka ayaw nang gumising pa
[Chorus]
Sa ilalim ng kalawakan pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang ako na pala ang kailangan
At gusto mong pamahalanan
[Interlude]
[Chorus]
Sa ilalim ng kalawakan pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang ako na pala ang kailangan
At gusto mong pakasalan