Daanang kanina'y tuwid panay kurba
Mga tahi-tahing pangungusap ang nagpakulay sa burda
Ramdam mo ba yung alon handa na kong masuka
Tara pumasok na sa pintuan bago pa magsara
Ganto pala pag nagbabalat ang langit, kulay kalabasa
Tubig na nagmula sa Nawasa, naging prutas ang lasa
Mga salitang nagkasundo, mensahe'y pasa-pasa
Mga numero sa mundong ito tila may pinapabasa
Yung nasa dingding ay nagsasalita, sirang plaka
Di kaya pinaglalaruan lang ako ng utak ko at ako mismo ang taya
Kaya di nagpabaya baka tuluyang maligaw, mawala
Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig
Naging larawan ang nagkaisang mga butas ng banig
Ingat lang sa pagpanik pagkat sadyang matarik
Basta tandaan mo lang ang daan pabalik
Kapit ka lang maigi, wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin, wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kelangan daw munang yung papag ang unang mahigaan
Bulag man ako sa oras, nasipat ko naman ang
Katotohanan sa likod ng kalawakan
Nakita ko sila, ngunit di ko mahawakan
Baka lang maabala at mukha naman silang masayang nagsasayawan
Mga guhit na nag-uugnay sa pagitan ng mga bituin
Nagiging tigre yung isa sa mga dating nailigaw na kuting
Ang mga pira-pirasong pangarap na kelangan pang buuin
Tinanim sa lupang bibihira tumaba kaya ayaw nilang dakutin
Buhat ng ako'y naliwanagan
Isang malubak na lansangan naging bagong kapatagan
Kung walang pusong pinayayaman
Isa lamang pangit na pulubi ang kayamanan
Ang buhay man ay maulan
Pero tandaang tubig ang dahilan kung ba't may kakahuyan
Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik
Basta tandaan mo lang ang daan pabalik
Kapit ka lang maigi, wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin, wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kelangan daw munang yung papag ang unang mahigaan
Ako'y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama
Ang gabi ay lumalalim
Ako'y lumulutang sa salbabidang punong puno ng sariwang hangin
Nung pumutok ako'y lumubog sa ganda ng tanawin
Kaliwa't kanang tawanan, sari-sari ang pagkain
Di ko akalain ang pagiging mahiyain
Ang aking daan upang maging malikhain
Di ko man marinig ang sinasabi nila sakin sa labas
Sarado man ang dalawang pintuan, kita ko sila sa bintanang nakabukas
Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig
Nagkabit-kabit na nga ang mga butas ng banig
Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik
Basta tandaan mo lang ang daan pabalik
Kapit ka lang maigi, wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin, wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kelangan daw munang yung papag ang unang mahigaan
Ako'y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatami
Ako'y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama