Verse 1
Bayan ko, bayan mo, bayan nating mga Pilipino
Simbolo ng anyo, ng paninindigan, at pagkatao
Tayo ba'y nakikinig? S'ya nga ba'y naririnig?
Verse 2
Kay sarap pagmasdan sariling puwang na s'yang kinalak'han
Ang tubig, ang simoy, at lupa, at ang langit na kay asul
Ako ba'y nakikinig? Sila ba'y naririnig?
Refrain
O kay sayang masilayan ang kagandahang
Bigay ng Maykapal sa “Perlas ng Silanganan”
Sa baya'y handang ialay maging ang buhay
Dunong, diwa, at dangal
Verse 3
Ang bango ng ‘yong sampaguita, tamis ng mangga, at ang tibay ng narra
Sila ba'y nakikinig? Ako ba'y naririnig?
Chorus
Ang huni mo'y ‘king susundan sa tatahakin kong daan
Para sa ‘yo Inang Bayan, O Pilipinas!
Ako sa ‘yo'y magsisilbi; tagumpay mo'y minimithi
At diringgin ko ang huni mo Pilipinas
Break
Liwanag man o dilim
Huni mo'y mananatili
Refrain
Sa bawat pagkakalugmok ay babangon tayong
Puno ng pag-asa't respeto sa kapwa tao
Pag-ibig at pagkakaisa ay ipairal
Susi sa kaunlaran
Verse 4
Bangayan, poot, sisihan, ay tuldukan na't ituwid ang kamalian
Gunitain ang mga bayaning dugo at pawis ang s'yang iniambag
Sila ba'y naririnig? Tayo ba'y nakikinig?
Chorus
Para sa ‘yo Inang Bayan ang tatahakin kong daan
Tunay, minamahal kita, O Pilipinas!
Break
Liwanag man o dilim
Huni mo'y mananatili
At bukas sisibol na rin
Bunga ng iyong paghuni