Nagpapatangay sa daan inuulan
Para masapawan lang ang kalungkutan
At nanghihiram ng tawa nagpapadala
Sa konting minuto na pinagkakasya
Narating mo na rin ba ito kung saan langit na sa iyo
Ang tinatawag kong paraiso ang sarili kong mundo
Ang kalayaan ko
Sa munti kong hardin makikita ang nais gawin
Magtaka, mamangha maglakbay sa diwa
Wag ka lamang matutulala sa munti kong hardin
Ay may panganib din wag mo nang tanungin
Kusa mong alamin sarili mo ang dapat mong sundin
Nagpaparaya sa sulok inaantok
Sa panginip na kusang pumasok
At nanghihingi ng ngiti na nalalabi
Sa paglilibang sa biting sandal
Narating mo na rin ba ito kung saan langit na sa iyo
Ang tinatawag kong paraiso ang sarili kong mundo
Ang kalayaan ko
Sa munti kong hardin makikita ang nais gawin
Magtangka, mamangha maglakbay sa diwa