[Intro]
Tama na
'Di ba't tayong dal'wa ang nagkulang?
[Verse 1]
Naaakit ang apoy sa bagong hangin
Sumasayaw hangga't kayang tiisin
Nagpalit anyong binitawang pangako
Pakiramdaman sinong unang susuko
[Pre-Chorus]
'Di nagsama
Tinakdang kalul'wa
Bawat luha'y, mahiwaga, mahiwaga
[Chorus]
Tama na
'Di ba't tayong dal'wa ang nagkulang?
Tinatakasang paraan
Kasalanan ba'ng biglang nag-iba
[Verse 2]
Mga planong nauwi sa paano
Ipipilit ba? Hindi na siguro
Wala sa atin ang gustong lumaban
Yakapin ang sakit ng huling paalam
[Pre-Chorus]
'Di nagsama
Kordon ng Bathala
Bawat luha'y mahiwaga
[Chorus]
Tama na
'Di ba't tayong dal'wa ang nagkulang?
Tinatakasang paraan
Kasalanan ba'ng biglang nag-iba?
[Post-Chorus]
Mahiwaga
Mahiwaga
Mahiwaga
Mahiwaga
[Instrumental Bridge]
[Chorus]
Tama na
'Di ba't tayong dal'wa ang nagkulang?
Tinatakasang paraan
Kasalanan ba'ng biglang nag-iba?
Tama na
Ako't ikaw ay muling isisilang
Tanikala'y kalagan
Kasalanan ba'ng muling mag-isa?
[Post-Chorus]
Mahiwaga
Mahiwaga
Mahiwaga
Mahiwaga